CHAPTER 4
Naiisip pa rin ni Ivone hanggang sa bahay ang mga
napag-usapan nila ni Marty kanikanila lang. Hanggang
sa pagligo niya iyon pa rin ang iniisip niya, kaya
natagalan siya sa shower room.
Nagulat siya paglabas niya ng shower room dahil
nadatnan niya si Sammy na nakaupo sa kama niya, tila
kanina pa ito naghihintay sa kanya.
Nagulat din si Sammy nang makita niya si Ivone, oo
nga at sanay siyang basta basta nalang pumapasok sa
kwarto nito pero ito ang unang pagkakataon na
nadatnan niya itong naka-towel lang, akala niya nag
CR lang ito.
Napatitig siya sa nakatulalang mukha ni Ivone,
pababa...at pataas ulit saka niya narealize ang
ginawa.
"Ahhh...hi--hintayin na kita sa labas." nauutal na
sambit niya saka nagmamadaling lumabas.
Ito ang kauna-unahang nakita niya si Ivone nang
ganun, ang sexy pala talaga ng bestfiend niya, muntik
na siyang makalimot kanina, buti nalang natauhan agad
siya. Kung nagkakataon, nakakahiya talaga. Hihntayin
pa ba niya ang kaibigan o bukas niya nalang sasabihin
dito ang pakay niya, o wag nalang kaya, tutal alam na
nito na may laro sila sa basketbal para sa
championship, alam niya namang pupunta ito, gusto
niya lang siguraduhin at kulitin ang bestfriend niya.
Samantalang nagmamadaling magbihis si Ivone nang
makabawi sa pagkatulala.
"Wala naman siguro siyang nakita" wika niya sa
sarili.
Matapos magbihis ay bumaba na siya. Dumiretso siya sa
sala kung saan naghihintay si Sammy. Pagagalitan niya
ito dahil ginawa nito, sukat ba namang titigan siya
nito mula ulo hanggang paa at ulitin pa.
Nakita niya itong nakaupo sa long sofa pero di niya
alam kung anong ginagawa nito dahil nakatalikod ito
sa kanya.
Hinarap niya ito at bumuka ang bibig niya para sana
simulan ang pagtatalak dito ngunit naudlot iyon nang
makita niyang himbing na himbing sa pagtulog ang
kanyang bestfriend.
"Aba'y tinulugan ako, ito ba ang ipinunta nito dito?"
sa isip niya.
Umupo nalang siya sa katabing sofa at nagbasa ng
libro mula sa shelf malapit sa inuupuan niya. Mamaya
nalang niya gagawin ang pagtatalak dito paggising
nito. Maya maya ay binaba niya na rin ang libro at
tiningnan saglit si Sammy na tulog pa rin. Napansin
niyang di maayos ang pagkakapwesto nito sigurado
paggising nito mananakit ang mga buto buto nito kaya
inayos niya ang pagkakahiga ng bestfriend niya.
Matapos gawin yun ay di sinasadyang napatitig siya sa
mukha nito. Alam niyang gwapo ang kaibigan niya pero
ngayon niya lang napansin na sobrang gwapo pala nito,
ang cute pala nito pag natutulog. Kaya naman pala
maraming nagkakagusto dito, ang sarap palang tingnan
ang mukha nito pag tulog, may kakaiba siyang
naramdaman habang tinititigan ang mukha nito, lalo na
nang dumako ang ang tingin niya sa mga labi nito,
parang ang sarap halikan.
"Ito na yata ang sinasabi ni Marty" Bulong ng isip
niya, bigla siyang kinabahan kaya dali dali siyang
tumayo at umalis ng sala. Kung ano man ang kailangan
nito, sa susunod nalang nila pag-uusapan iyon.
next chapter pleaseee ..
ReplyDeletedati ko pa to hinhntay .. sana mag update na po kau .. please lng po :)
update ka na plsss,raming naghihintay sa ant coalition ng story mo.
ReplyDeleteP L E A S E ! ! !ang ganda ng ff mo kaya please update mo na :D
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletewaaahhh ang ganda...!! update mo na daw... ahahaha
ReplyDeleteI forgot na din pati login ko dito...hanubah...cant get in...gggrrrr! :(
ReplyDelete