Friday, April 8, 2011

CHAPTER 4

Naiisip pa rin ni Ivone hanggang sa bahay ang mga

napag-usapan nila ni Marty kanikanila lang. Hanggang

sa pagligo niya iyon pa rin ang iniisip niya, kaya

natagalan siya sa shower room.

Nagulat siya paglabas niya ng shower room dahil

nadatnan niya si Sammy na nakaupo sa kama niya, tila

kanina pa ito naghihintay sa kanya.

Nagulat din si Sammy nang makita niya si Ivone, oo

nga at sanay siyang basta basta nalang pumapasok sa

kwarto nito pero ito ang unang pagkakataon na

nadatnan niya itong naka-towel lang, akala niya nag

CR lang ito.

Napatitig siya sa nakatulalang mukha ni Ivone,

pababa...at pataas ulit saka niya narealize ang

ginawa.

"Ahhh...hi--hintayin na kita sa labas." nauutal na

sambit niya saka nagmamadaling lumabas.

Ito ang kauna-unahang nakita niya si Ivone nang

ganun, ang sexy pala talaga ng bestfiend niya, muntik

na siyang makalimot kanina, buti nalang natauhan agad

siya. Kung nagkakataon, nakakahiya talaga. Hihntayin

pa ba niya ang kaibigan o bukas niya nalang sasabihin

dito ang pakay niya, o wag nalang kaya, tutal alam na

nito na may laro sila sa basketbal para sa

championship, alam niya namang pupunta ito, gusto

niya lang siguraduhin at kulitin ang bestfriend niya.

Samantalang nagmamadaling magbihis si Ivone nang

makabawi sa pagkatulala.

"Wala naman siguro siyang nakita" wika niya sa

sarili.

Matapos magbihis ay bumaba na siya. Dumiretso siya sa

sala kung saan naghihintay si Sammy. Pagagalitan niya

ito dahil ginawa nito, sukat ba namang titigan siya

nito mula ulo hanggang paa at ulitin pa.

Nakita niya itong nakaupo sa long sofa pero di niya

alam kung anong ginagawa nito dahil nakatalikod ito

sa kanya.

Hinarap niya ito at bumuka ang bibig niya para sana

simulan ang pagtatalak dito ngunit naudlot iyon nang

makita niyang himbing na himbing sa pagtulog ang

kanyang bestfriend.

"Aba'y tinulugan ako, ito ba ang ipinunta nito dito?"

sa isip niya.

Umupo nalang siya sa katabing sofa at nagbasa ng

libro mula sa shelf malapit sa inuupuan niya. Mamaya

nalang niya gagawin ang pagtatalak dito paggising

nito. Maya maya ay binaba niya na rin ang libro at

tiningnan saglit si Sammy na tulog pa rin. Napansin

niyang di maayos ang pagkakapwesto nito  sigurado

paggising nito mananakit ang mga buto buto nito kaya

inayos niya ang pagkakahiga ng bestfriend niya.

Matapos gawin yun ay di sinasadyang napatitig siya sa

mukha nito. Alam niyang gwapo ang kaibigan niya pero

ngayon niya lang napansin na sobrang gwapo pala nito,

ang cute pala nito pag natutulog. Kaya naman pala

maraming nagkakagusto dito, ang sarap palang tingnan

ang mukha nito pag tulog, may kakaiba siyang

naramdaman habang tinititigan ang mukha nito, lalo na

nang dumako ang ang tingin niya sa mga labi nito,

parang ang sarap halikan.

"Ito na yata ang sinasabi ni Marty" Bulong ng isip

niya, bigla siyang kinabahan kaya dali dali siyang

tumayo at umalis ng sala. Kung ano man ang kailangan

nito, sa susunod nalang nila pag-uusapan iyon.
CHAPTER 3

Nasa Library si Ivone kasama ang mga kaibigang sina

Ella at Aury. Nagreresearch sila tungkol sa mga

reports nila sa Social Studies, nang may mapansin si

Ivone....

"Teka, asan kaya yung copy ng topics ko, kanina ko pa

hinahanap pero di ko makita. Naku, di ko pa naman

memorize yun, basta ko lang kinopya." nag-aalalang

wika ni Ivone.

"Saan mo kasi inilagay?" si Ella na nag-aalala na

rin.

"Inipit ko lang yun dito sa notebook ko." sagot niya.

"Baka nahulog?" si Ella ulit

"Kailangan kong balikan and dinaanan ko, baka nahulog

nga."

"Baka may nakapulot na, patay!"

"Sino naman ang pupulot nun, its only a piece of

scratch paper."

"Yun na nga eh, baka may nakapulot tapos itinapon sa

basurahan, patay talaga!"

"Naku, kailangan kong balikan ang dinaanan ko kanina"

at nagmamadali nang lumabas si Ivone. Paliko na siya

sa corner ng sidestair ng Library nang may mabangga.

"Naku Miss, sorry nagmamadali lang kasi talaga ako"

apologitic na sambit ni Ivone sa babaeng nakabangga

at akmang tatakbo ulit nang magsalita ang babae.

"Miss Ivone, teka lang..."

Napalingon si siya
"Kilala mo ako?"

"OO,..nga pala nahulog mo 'to kanina" sabay abot ng

isang pirasong papel. "Its just a piece of paper but

i guess its important."

"Naku, salamat miss, maraming salamat talaga, I'm on

my way to search for it na nga eh, mabuti nalang at

nakita mo at sinauli mo sa akin."

"Oo, nakita ko kasi to'ng nahulog mo habang

sinusundan kita."

"Ha?! Sinusundan mo ako?! Bakit?" nagtatakang tanong

ni Ivone.

"Kasi...alam kong di tayo close, pero may I ask your

help? Ako nga pala si Marty" pakilala ng babae.

"Ako naman si Ivone...Oo naman , dahil ikaw ang

savior ko ngayon dahil ikaw ang nakakita ng piece of

paper na'to, at binigay mo pa sa akin, I will grant

your favor, basta wag lang yung di ko kaya ha...ano

ba yun?"

"Dont worry I'm sure kayang kaya mo, kasi magaling

kang gumawa ng tula at yun ang favor na hihilingin ko

sana."

"Oh, yun lang ba?, sure no problem, para kanino ba,

para naman may idea ako kung ano isusulat ko?"

"Ay naku, I'm sure easy lang yan para sayo kasi lagi

kayong magkasama, kilalang kilala mo siya...its

Sammy."

"What?!...si Sammy?...hay, ang dami talagang

magagandang babaeng nagkakagusto sa bestfriend ko, at

ano naman ang isusulat kong tula para sa kumag na

yun, yung pagiging chickboy niya? hay naku, ano bang

nakita niyo dun?...tsk tsk tsk" naiiling na sagot

niya

"Anu ka ba, di mo ba nakikita ang dahilan?, kung

titingnan mo ang kanyang mukha, mula sa nangungusap

niyang mga mata, hanggang sa kissable lips niya,

idagdag pa ang ugali niya, matalino pa, star player

pa ng basketbal, ano pang hahanapin mo?" mahabang

sagot nito.

"Eh, kaya mo naman palang gumawa ng tula, bakit

kailangan pang ako ang gumawa."

"I-enhance mo nalang, tingnan mo siyang mabuti at

obserbahan mo ang bawat kilos niya, wag ka lang

maiinlove ha!"

"Anong maiinlove?, bestfriend ko yun noh!"

nakangusong saad ni niya.

"Oo nga, baka lang kasi, pero panatag na ako ngayon"

"Oh sige, balik na ako sa Library, kailangan ko pang

mag-research tungkol dito" at winagayway ang

kapirasong papel na sinuli nito kanina.

Sunday, February 13, 2011

Wishing You'll Be Mine

NOTE: Ang mga pangyayari sa kwento ay
gawa ng kathang isip lamang at hindi basi
sa mga pangyayari sa tunay na buhay.


WISHING YOU'LL BE MINE
Lyrics of the song, cto
Samvon MV
credits to Alexis



CAST OF CHARACTERS:
 SAM  CONCEPTION AND DEVON MAY SERON
AS
SAMMY CONCEPTION AND IVONE SERION

JAMES REID AS RJ REED



 CHAPTER 1


"Sige na best." kulit ni Sammy sa kanya na habang nakadapa lang siya sa kama. Best friend niya ito mula pagkabata kaya labas pasok na ito sa kwarto niya.

"Ayoko nga"

"Bakit ba?"

"Wala ako sa mood" nakasimangot na sagot ni Ivone


"Bakit?"


"Dahil wala akong inspiration"


"Kailangan pa ba 'yon?" Kulit ni Sammy


Pinandilatan niya ito ng mata. "Syempre ano, kailangan talaga 'yon"


"Eh bakit kasi di ka pa magka-boyfriend, para may inspiration ka palagi, at nang sa ganun ay lagi kang makakagawa ng tula" pataas taas pa ng kilay na wika nito sa kanya.

Mula kasi pagkabata, mahilig na siyang magsulat ng tula, kaya nang mag high school sila ay siya palagi ang tagagawa ng tula ni sam para sa mga babaing natitipuhan nito. Palibhasa gwapo, mayanam,  matalino at talented pa, kaya habulin ng mga babae.
Pero ngayon, wala siya sa mood gumawa ng tula dahil nakiya niya ang crush niyang si RJ na kausap at katawanan ni Annie. Naisip niya na buti pa si Annie, nakakausap at napapatawa niya si RJ, samantalang siya, eh kahit pangalan niya di nito alam. Kaya nang umuwi siya ay nagmokmok sa kwarto niya.


Ngali-ngaling  singhalan niya ito "Ikaw, magpapasulat ka lang ng tula para dyan sa bagong flavor of the month mo, eh pati love life ko pinapakialaman mo"


"Oh wag ka nang magalit, relax lang best, alam ko namang may nakareserve na dyan sa puso mo. Ba't di mo nga pala bigyan ng tula si RJ para naman maramdaman niyang may isang Ivone na nagmamahal sa kanya"
Alam ni Sammy ang nararamdaman niya para kay RJ kasi nabuking siya nito nang minsang nakatitig siya kay RJ na parang nangangarap, tinukso siya nito kaya napaamin siya.


"Heh! Tumigil ka nga, ikaw dinadamay mo ako sa kalokohan mo"


"Gawan mo na kasi ako ng tula para kay Yena plssssssssss..." pinagtiklop pa nito ang dalawang palad na parang nagdadasal with matching paawa effect pa talaga.


Natawa siya ng malakas dahil sa expression ng mukha nito. "Sira ka talaga, sige na nga, mamaya pag nasa mood na ako igagawa kita."


"Mamaya pa?" tila naiinip na tanong ni Sammy.


"Oo mamaya pa, may reklamo?, o baka naman gusto mong di kita igawa" akmang tatayo na si Ivone.
"O teka lang, payag na ako, basta igawa mo ako ha"
"Oo promise igagawa kita, kailan ba kita tinanggihan, pero sa ngayon, umuwi ka muna sa inyo dahil marami pa akong gagawin, idagdag mo pa yang poem mo kaya alis...alis...shooo" ani ni Ivone na tinutulak si Sammy palabas ng kwarto niya..





"Anak maghanda ka, pupunta tayo kina mareng lyn, inimbitahan tayong doon mag dinner" wika ng mommy ni Sammy

Magkumare ang mga magulang nina Sammy at Ivone, kaya nga naging mag best friend silang dalawa dahil super close ng mga parents nila, at pareho pa silang mga nag-iisang anak. Minsan nga nang mag-sauap ang mga ito ay nabanggit na ipakasal silang dalawa in the right time, pero in the end of the conversation, napagpasyahan ng mga ito ng hayaan nalang silang dalawa kung sino man ang mapupusuan nila. Pero umaasa pa rin ang mga ito na magkakagustuhan sila sa kabila ng pagsasabi nilang mag best friend lang talaga sila.

"Yes Ma," ayaw sana niyang lumabas dahil tinatamad siya, kundi lang dahil sa tula na ipinagawa niya kay Ivone kahapon, hindi siya pupunta. But knowing her mother, di yon papayag na di siya sasama, kaya he decided to go nalang.






"O anak,  maghanda ka na at maya maya lang andito na sina mare, ise-set ko lang ang table" ani ng mommy ni Ivone pagkabukas niya ng pinto ng kwarto niya.

"Opo Ma, may tatapusin lang ako, sandali lang at bababa na rin ako"
"Sige anak, may aasikasuhin lang ako sa kusina"
"Opo Ma,"
"Mag-ayos ka, darating si Sammy" nakangiting wika ng mommy niya
"Ma naman,parang ang tagal naming di nagkita at kailangan pa talagang mag-ayos"
Sanay na siya sa mommy niyana lagi siyang binubuyo kay Sammy kahit ilang ulit nilang sabihin na mag best friend lang sila.
"O siya, wala na akong sinabi" nakangiting sabi ng mommy niya, "Bababa na ako" at kumindat pa ito sa kanya bago tuluyang isinara ang pinto.
Napailing na lang si Ivone sa tinuran ng ina. Paano nga ba magiging sila ni Sammy eh sa taas ng listahan ng mga babaeng natitipuhan nito, ewan lang kung mapapansin pa siya nito na pweding ibilang sa listahan nito doon.
Napabuntunghininga si Ivone sa naisip, buti nalang at ayaw niya sa ganoong lalaki kaya imposibling magkagusto siya rito. Kunsabagay marami din naman itong nagawa para sa kanya, tagapagtanggol niya ito simula bata pa lang sila. Ito lang ang may kakayahang pasayahin siya kahit ang lungkot lungkot niya na. At ito lang din ang may kakayahang inisin siya. Alam nila ang gusto at ayaw ng isa't isa.


Ding dong...
"Anak sina mareng Gene na yata yan, salubungin mo" si mommy Lyn na abala sa pagche-check ng dining table.
Tumalima naman si Ivone.

"Good evening po tita, tito" bati niya sa mga bagong dating.


"Good evening din hija" si mommy Gene na nakangiti.

"Halina po kayo, nakaset na ang table, andun si mommy sa dining room, alam niyo naman yon, laging cheni-check kung anu ano pa." nakangiting wika niya.


"Naku kilala ko na ang mommy mo hija, lagi naman kaming nagdi-dinner dito sa inyo, kala mo once a year lang kung mag-prepare." natatawang sagot ni mommy Gene.
"Siyanga pala andito si Sammy, andun nagpaiwan sa car, may kinuha ata."


"Ah, ganun po ba, sige, puntahan ko na po tita"


"Mabuti pa nga hija"


Pinuntahan niya si Sammy sa car, nakita niya itong naka-lean sa sasakyan.
"O, ba't di ka pa pumasok?"


Hindi ito sumagot, tiningnan lamang siya nito.


"Hoy! Ok ka lang?"


"Natapos mo na ba ang tula?" bagkus ay tanong ni Sammy


"Wag kang mag-alala, tapos na po."


"Sa tingin mo magugustuhan ako ni Yena?" nag-aalalang tanong ni Sammy sa kanya.


"At kailan ka pa binasted?, Teka, sino ba 'to at mukhang kinakabahan ka yata?"


"Sosyal kasi siya eh, baka di umepekto ang tula, baka tawanan niya lang ako."
Nagulat si Sammy sa lakas ng tawa ni Ivone.
"O ayan, pati ikaw tinatawanan mo ako" parang mapipikon na saad nito.


"Alam mo best, relax ka lang, actually di mo naman kailangan ng tula, isang ngiti mo lang mapapa-yes mo na agad sila."


Tiningnan siya ni Sammy.


"O bakit?"


"Best...?"


"Yes...?"


"Crush mo ako noh!, O baka naman may gusto ka na sa akin."


"Ang kapal naman ng mukha mo best, hindi tayo talo noh!"

"Haha, joke nga lang, affected ka naman"


"Mabuti na yung maliwanag"


"Ok, ok..." natatawang itinaas ni Sammy ang mga kamay bilang pagsuko "Halika ka na nga, pumasok na tayo, I'm sure hinihintay na tayo ng mga elders sa loob."


"Hmp...kaw talaga" nanggigigil na sagot ni Ivone.


"Relax lang best, baka madapuan na naman ako ng iron hand mo."


"Talagang makakatikim ka nito..." akmang papaluin niya ito nang masalo nito ang kamay niya at hinila siya nito.


"Halika na nga, masyado kang hyper.




Naghahabulan sila habang papasok ng dining hall, paikot-ikot pa sila sa table habang naghaharutan. Tawanan nang tawanan at nagkikilitian pa. Yun ay normal lang na tagpo pag magkasama sila, kahit sa harap pa ng parents nila, sanay na ang mga ito, at gustong gusto pa nga ang nakikita.


"Uy, kayong dalawa, mamaya na yang harutan, kumain muna kayo." si mommy Lyn.


"Eh, ito kasing si Sammy tinutukso ako."


"Sino ba ang unang nanukso ha!"


"Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah, kinakabog kana kasi marami ng gwapo sa school natin." sagot ni Ivone na bahagyang umatras dahil alam niyang susugurin na naman siya ng kiliti ni Sammy dahil sa sinabi niya.
At di siya nagkamali dahil akmang susugod na ito sa kanya. "Ikaw talaga...!"
Tumakbo siya palabas ng dining hall habang hinahabol siya ni Sammy

Napailing nalang si mommy Gene. "Ang mga bata nga naman..."
"Hayaan na natin, malay natin..., we don't know what future lies ahead of them." makahulugan na turan ni mommy Lyn.
"Sana nga  mare..."


Sigaw siya ng sigaw sa kakaiwas sa mga kiliti nito hanggang maabutan siya nito sa sofa. Tawa sila ng tawa.
Huminto si Sammy "Alam mo, sinasabi mo lang yan kasi alam ko naman si RJ lang ang pinakagwapo sa paningin mo eh, pero kawawa ka naman, di ka niya pinapansin...huhuhuh..." aktong umiiyak na sabi nito.


Dahil sa narining, sinugod niya ito ng kiliti "Ikaw, ikaw...!" ang tanging nasambit ni Ivone sa pagitan ng pagkiliti niya kay Sammy.


"Ooppss...tama na...hahahah..." tawa nang tawang awat nito sa kanya. Nayakap siya nito dahil di na maawat. "Alam mo, let's eat dinner na, kanina pa nila tayo hinihintay sa table."


Maya maya lang humupa na rin ang tawanan nila nang magsalita si Ivone, "Siyanga pala, tapos na ang tula, ibibigay ko na lang sayo after dinner."


"Ok best, thank you best, you're the best...!" nakayakap paring sabi ni Sammy "...always"


"I know" si Ivone.


"Kahit kailan di mo ako tinanggihan, lagi kang nandyan...you're the best" bahagya itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at hinalikan siya sa noo. Thats his sweet gesture to Ivone.


"Ang drama mo naman, halika ka na nga, kumain na tayo, gutom lang yan."


"Madrama pala ha..."
At naghaharutan uli silang pumasok sa dining hall.



 ENRIQUE GIL AS KEN GUILLEN


 AURIETTE DIVINA AS AURY DEVINE


PIERO VERGARA AS PIERCI VARGAS


EMMANUELLE VERA AS ELLA


CHAPTER 2

 Nag-uusap sila Ivone at ang mga kaibigan niyang sina Ella at Aury nang may marinig silang pamilyar na boses.


"Best..." humahangos na sigaw ni Sammy.


"O, best? Anong nangyari sayo?" kunot noong napatayo si Ivone.


Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinala siya sa gilid. "Nagustuhan ni Yena ang tula, thank so much best, thank you so so much" masayang pagbabalita niot sa at hinalikan pa siya nito sa noo nang paulit ulit "muah... muah... muah...Ite-treat kita mamaya ng lunch, kung gusto mo isama mo na rin mga kaibigan mo."


Ito ang gusto niya dito pag nagugustuhan ng mga babaing natitipuhan nito ang tulang ginawa niya ay may iba't ibang gimik ito para pasalamatan siya, tulad ng ilibre siya, or di kaya ay bigyan siya ng regalo, at kahit anu ano pa.


"Sige ha, sinabi mo yan."


"Oo, kailan ba ako sumira sa promise ko"


"O sige, aasahan namin yan, saan ba tayo magla-lunch?"


"Kayo ang bahala."


"Eh kung sabihin kong sa pinakamahal na restaurant namin gustong mag-lunch?"


"Best naman, mabubutas bulsa ko niyan"


Natawa si Ivone sa tinuran nito "Joke lang best, syempre sa paborito nating hangout, isama mo na rin ang mga barkada mo."


Ang Shoutout Restaurant ang paborito nilang hangout, dito kasi lahat pwede nilang gawin magbabarkada. Sumayaw, kumanta, kahit anong gimik pwede dito.


"O sige best, mauna muna ako, kita nalang tayo mamaya" at hinalikan uli siya nito sa noo.


"Bye best, ingats and congrats."


"Thank you best, you're the best."


"I know" nangingiti si Ivone.


Pagdating na pagdating nila sa Shoutout restaurant ay agad na naghila ng upuan si Sammy para kay Ivone.

"Wow!, Siya lang?, Kami hindi?" wika ni Ella ng mapansin ang ginawa ni Sammy.


"Syempre kayo rin, pero its not me who is going to do that for you, andyan naman sina Ken at Pierci ah."


"O bakit naman kami, nagpapalusot ka lang, dinadamay mo pa kami." si Ken na natatawa.


"Kayo ang nandyan eh, magpaka-gentlemen naman kayo kahit minsan lang...hahahah..." natatawa na ring sagot ni niya. Tumalima naman ang dalawa.


Nag-order na sila. Nagpaalam si Ivone na magpunta ng C.R. kaya siya na ang umorder para dito, alam niya naman ang mga paborito nitong pagkain at kung ano ang madalas nito kainin pag nandito sila sa restaurant na'to. Pagdating ni Ivone ay inasikaso niya ito, nilagyan niya ng pagkain ang plato nito. Ganun siya kalambing sa kaibigan lalo na kapag ganitong may nagagawa ito para sa kanya.


"Uy ang sweet niyo naman, pwede pasali" si Ella ulit na malimit tuksuhin si Ivone pagganun siya kalambing sa kaibigan.


"Ikaw talaga, ayan ka na naman, bakit kailangan mo pang sumali eh nandyan naman si Pierci" ganting sagot ni Ivone sa panunukso sa kanila.


"Oo nga naman Ella, at ikaw Pierci ba't di mo pa kasi lambingin iyang si Ella, tingnan mo naiinggit tuloy sa amin." aniya na nangingiti. Sanay na siya sa panunukso ng mga kaibigan ni Ivone, pati na rin ng mga kabarkada niya, madalas tinatawanan na lang nila ni Ivone ang mga panunukso ng mga ito sa kanila.


"Kayo iniiba niyo ang topic, this is all about you, kasi para kayong mag bf-gf dahil sa kasweetan niyo." si Pierci na nangingiti na rin. Alam niyang matagal nang may gusto kay Ella si Pierci, pero ayaw pa ring aminin iyon ng huli.


"oo nga, naku kung di ko pa alam at kung di ko kayo kilala, iisipin ko talagang may gusto kayo sa isa't isa." si Aury na nakikisali na rin.


Nagkatinginan silang mag best friend, at sabay silang nagkatawanan. Ganun ang lagi nilang reaction pag napag-uusapan ang tungkol doon.


"Kayo talaga, hindi na kayo nasanay sa amin, ganun lang talaga kami ng sweetie best ko." natatawa pa ring wika niya.


"O siya sige, wala na kaming sinabi" nangingiting sagot ni Ella.


Pero gayun pa man, patuloy pa rin ang tuksuhan ng magkakaibigan habang kumakain, di na naubusan ng mapag-uusapan.